Ang Lumalabas sa Iyong Bibig

Pansinin ang pamagat. Pwede namang “Ang Lumalabas sa Iyong Bunganga”. Pero mas magandang pakinggan kapag binigkas at binasa ang kasalukuyang pamagat.
Marami sa atin ang hindi iniisip kung ang lumalabas sa ating bibig ay makakasakit ng damdamin o makaaapekto sa nararamdaman ng tagapakinig o ng tumatanggap ng ating mga salita. Larga lang ng [...]

Kaibigan Magpakailanman?

Kagabi, dahil sa ako ay hindi nakakatulog nang maaga, ay nagbasa ako ng isang edition ng isang magasin na may pamagat na Prevention. Nais kong ibahagi ang isang magandang artikulo ni BB. Geneen Roth na isinalin ko sa ating wikang Filipino.
Magkaibigan Magpakailanman?
Paano mo malalaman kung kailan ka hihiwalay
ni Geneen Roth

Ilang linggong nakaraan, ako ay [...]

Desperado

Narinig ko sa radyo kahapon na magsasagawa o nagsasagawa ng survey ang AFP kung bakit ibinoto ng mga sundalo si Trillanes.
Ipinaliwanag ni Adel Tamano, tagapagsalita ng GO, na dahil sa istraktura ng military kung saan ang bawat sundalo ay dapat na sumunod bago magsalita, mapipilitan ang mga ito na sagutin ang survey ng AFP bilang [...]

Sa Araw-araw Bago Pumasok

Gigising ako ng mga bandang alas 7:00 sa umaga. Magpapasalamat sa Poong Maykapal dahil buhay pa. Minsan din nama’y nakakalimutang magpasalamat. Magtitimpla ng kape – matapang at di gaanong matamis. Magpapainit ng tubig sa takore dahil hindi ako naliligo ng walang mainit ng tubig sa timba. Payak pa ring paraan ng [...]

Mga Tanong Mula sa Puntod

Naririnig kaya kami ng mga buto at kalansay na nasa loob ng mga nitso? Nababasa kaya nila ang kahungkagan ng mga panalangin na ginagawa lamang orasyon? Nararamdaman kaya nila na ang mga ito’y para lamang masabi ng mga nakakakita na sila ay banal at maka-Diyos kahit di naman makita sa gawa ang kabutihang [...]