Noong isang linggo, napabalitang nalunod ang anak na lalaki ng isang taga lugar namin. Panghihinayang ang naramdaman kasi nga’y isa na siyang ganap na binata, mga higit beinte singko anyos na. Kabilang siya sa isang grupo ng mga musikero. Mabait na anak ang sabi.
Kahapon lamang ay narinig ko ang usap-usapan tungkol sa nangyaring trahedya sa binatang ito. May hinala daw na ginagawang hanapbuhay ng mga tao sa lugar na iyon sa Zambales ang paglunod sa mga dayo. Dahil nga pinahahanap ang nawawalang bangkay ay nagbabayad ang mga kaanak makita lamang ang katawan ng nalunod na mahal sa buhay. Pero gaano kaya katotoo na kinakailangan pang pumatay sa pamamagitan ng paglunod sa mga dayo upang magkaroon lamang ng kita ang mga taga-roon? Pang-anim na raw ang binata ngayong taong kasalukuyan sa mga namatay na dayo sa naturang lugar.
Nakalulungkot isipin kung totoo ito. Dahil sa kahirapan, ginagawa na ng iba ang mga karumal-dumal na gawain. Isang senyales na naman.
Inihanay sa: Mahahalagang bagay
Naku, wag naman sana maging totoo na yun nga ang dahilan ng pagkamatay ng mga dayuhan sa Zambales. I have been there a few years ago and all i could say is they have beautiful beaches to boast of. Sayang naman kung mamamatay ang turismo sa kanila dahil matatakot na ang mga dayuhan na mapadpad doon.
para sa akin isa itong kahibangan kung totoo nga. sobrang kahirapan lamang ang pwedeng magtulak sa isang taong gawin ang karumal-dumal na gawaing ito. kaya lang, hindi pa rin sapat na dahilan. harinawa’y di totoo.
salamat sa dalaw, leslie,.
Malamang ang duda ng mga tao ay sanhi ng di pag unlak ng mga may kapangyarihan sa bayan ng Zambales sa masugid na pansawata na mangyari ang mga sakunang tulad ng nabanggit mo. Ang kadalasan ng mga sakuna na nangyari ay umiiral lamang kapagka walang ginagawang paraan sa pagpigil ng panganib na haharapin sa ating mga dulugan at liwaliwan tulad ng tabing dagat, ilog at iba pang dulot ng ating magandang kalikasan.
maaaring tama ka diyan, noypetes. maraming nangyayaring sakuna dahil walang ginagawa ang mga lokal na pamahalaan tungkol dito.