Suplada

expert

Sa sobrang sama ng loob, umuwi ang isang empleyadong lalaki dahil ang isang niyang kaopisina ay nagrereklamo dahil mayroon daw siyang hygiene problem o sa madaling sabi, may problema siya sa kalinisan o sa mas brutal na lenggwahe (salitang kanto kadalasan), may putok o may baktol siya. Ang nagrereklamo raw ay isang maitim at matabang kasamahan sa opisina. Aba at suplada!

Nagtalo nga kami ni Papsie tungkol dito. Ganito raw ang kanyang sasabihin, “Kung ikaw lang ang pagpapabanguhan ko, hindi na oy, mas kailangan ko ang trabaho para sa pamilya ko! Kung di ka makatiis sa amoy ko, ikaw ang mag-resign!” Over naman si Papsie. Pero ganoon po talaga siya. :-D Hindi siya maaapektuhan ng mga ganoong sitwasyon. Haharapin niya ang sitwasyon at ang nagrereklamo.

‘Ano talaga ang sasabihin mo?’ tanong ko.

‘Sasabihin ko – Ano ba talaga ang problema mo ha? Wala akong pakiaalam kung di mo gusto ang amoy ko, lumayo ka nga sa akin! Hindi naman kita syota. Kung syota kita, bibili ako ng roll-on! E, di naman kita syota, e! Makikiamoy ka na nga lang, galit ka pa!’

Tawa ako nang tawa. Hindi seryosong sagot para sa akin. Pero iginigiit niya na seryoso siya. Ganoon daw talaga ang sasabihin niya. Sabi ko naman, mas maganda na tanggapin ng lalaki ang puna pero hindi sapat na batayan iyon para mag-resign siya. Dapat ituring na isang positibong pagpuna (constructive criticism) ang nangyari. Mas makakatulong iyon sa kanya. Maaaring hindi naman talaga siya mabaho, baka yung pabango lamang niya ang hindi gusto, o hindi maganda ang pagkakalaba ng damit kaya iyon ang naaamoy, o di kaya naman inulit ang pagsuot ng damit na napawisan na.

Sa mga nakikiamoy naman, hindi rin maayos na halatang tinatakpan mo ang ilong mo kapag kaharap mo ang may amoy. Hindi rin maayos na ipagsasabi kaagad sa iba. Mas maganda na komprontahin ang taong may amoy o kausapin nang maayos at sabihin ang problema. Hindi madali ang tanggapin ang ganitong puna ngunit mas makakatulong kung pasikretong sasabihin.

Miss suplada, sana ay mabasa mo ito. Tiyak ko naman na hindi ka palaging mabango at nagkakaamoy ka rin paminsan-minsan, parte ng proseso ng katawan. Sana ay maisip na ang ganitong mga sitwasyon ay madaling nasusulusyunan kaysa sa mga taong may attitude problem, sang-ayon ka?

9 Tugon

  1. [...] Such is the case of this young man who went on a half-day leave because of a complaint by a co-employe. [...]

  2. naku wala akong pakialam kung may amoy ang katabi ko o kausap ko basta kaya lang ng ilong ko. Siguro naman maka-kahalata na siya kung umabot na sa limit na kaya ng ilong ko at na-duwal na ako sa harap niya..pero ako pa rin ang hihingi ng pa-umanhin sa pag-duwal ko sa mukha niya o sa damit niya! Pag may umangal naman sa amoy ko, malumay akong magpapa-umanhin sa kakulangan ng “toilet paper” sa banyo kaya pinunit ko na lang yung Wakasan komiks, kinuskos para lumambot at iyon ang ipinamunas ko..sori na lang kung may natira pang konti at nanga-ngamoy kasi di naman absorbent ang papel ng Wakasan Komiks ano! Dito sa Los Angeles, kahit mura ang mga hygienic toiletries eh iba-iba pa rin ang pumapayagpag na amoy sa mga lugar na maraming tao. Ang amoy na ma-sisinghot mo ay depende sa mukha ng tao, may amoy burrito, may amoy chicken curry, may amoy katas ng Kaimito, may amoy goma, amoy paa(daing), amoy barberya, amoy singit, amoy pusit, etc.

  3. ha ha at hihingi ka pa ng paumanhin ha… isa kang magalang na nilalang. mabuti yan. may amoy pala ang kaimito? ano ang amoy-burrito? ano ba ang burrito?

    noypetes, di kaya masakit sa pwet ang wakasan komiks? ha ha ha

  4. Ang burrito(for small buro o ass/donkey sa mga mexicano) ay siyang parang lumpia ng mga mexicano na laman ay beans, spanish rice, sibuyas, kamatis, avocado, sour creme at karne. Ito ay ang staple meal ng mga mexicano. Ang amoy niya ay galing sa spices na halo sa pagluto ng spanish rice at sa karneng halo dito…medyo amoy kili-kili! Isa ito sa mga paborito kong tsibug dito. Ang amoy naman ng kaimito ay tulad ng…alam mo na..yung katas ng pagmamahalan. Madalas itong tukso nuon pag nahuli ka sa pagkikita-kita niyong mag-barkada at kasama mo ang iyong kalaguyo..kikindatan ka na lang ng mga barkada mo at sasabihin sa iyo na…”pre, amoy kaimito pa kayo ah!”….sabay ngitian na lang. Baka alam ni mang Tomas ang amoy ng kaimito?

  5. Pahabol lang ito dahil di ko nasagot ang tanong mo tungkol sa Wakasan komiks.

    Kung ako ang pamimiliin mo mas gusto ang “texture” ng lumang Liwayway Magazine!

    Nabanggit ko lang ang Wakasan Komiks dahil isa ito sa mga paboritong babasahin habang naka-upo ka sa inidoro at nakakapag-relaks ang puwet mo at di mahirap palabasin ang mga matitigas na basura ng iyong tiyan sanhi ng di pagkain ng mga gulay at iba pang masustansiyang pagkain na may tulong sa pag-padulas sa madaling paglabas sa basura ng tiyan.

    Kapag di iskandaloso ang puwet mo sa pagbabawas, di problema ang pag gamit pamunas ng pahina ng Wakasan komiks. I-kaw-kaw lamang ng bahagya ang pinunit na pahina sa batya o drum ng tubig,
    katapos ay gusutin sa pamamgitan ng mahinay na pagkuskus tulad ng labada. kapag lumambot na ang papel, puwede na itong ipamahid pero huwag masyadong madiin sa puwet at baka dumikit ang tinta o baka kaya dumikit at mailipat sa puwet mo na parang tattoo ang mukha ng bida sa kuwento sa mga pahina ng komiks!

    laki sa layaw..laki sa hirap…jeproks!

  6. i remember a college classmate… a girl…

    she has insects infesting her hair and also had foul smell coming from that hair.

    it was so difficult to come up to her and make a comment since she is always alone and has forever been quiet in class….

  7. noypetes, di alam ni Mang Tomas ang tungkol sa ‘amoy kaimito’. iba ang tawag namin dyan, e. pero wag mo nang tanungin at medyo di dapat ilathala he he

    ibang klaseng paraan ng paglilinis ang paggamit ng Wakasan o Liwayway (at may preference ka pa ha). ibang klase.

    insects, bebe? ito ba yung kuto? baka di naliligo, o di nalilinis nang maayos ang buhok.

  8. sakit naman kasi sa ilong pag nakaka amoy ng PUTOK. Tama ka, may tamang way para masabi yon hindi yung magtataray nalang bigla.

  9. sakit naman talaga sa ilong, ms. red.

Mag-iwan ng Tugon