Text Tayo!

Lumang istorya na ‘to. Naisip ko lamang magsulat ng tungkol sa mga text messages o ang mga mensaheng ipinapadala o tinatanggap natin sa pamamagitan ng mga cellular phones. Narinig ko kasi si Kay Dacer (isang komentarista sa radyo sa programang Aksyon Ngayon) na hirap siyang magbasa ng mga pinaikling text messages kung kaya ang ibang mensahe na ipinadala ay hindi na niya binabasa.

Tinalakay na ang tungkol dito matagal na, noong kasagsagan ng pagsikat ng mga cel phones. Sabi kasi ng ilang nakakaapekto sa tamang paggamit ng mga salita at pangungusap ang mga pinaikling salita na ginagamit sa mga mensahe sa mga cel phones. Sabi nga ng ilan , lalong nabobobo ang mga estudyante at hindi natututo sa tamang pagbabaybay (spelling). May punto rin naman. Pero hindi siguro dapat isisi ang lahat sa mga mensahe sa cel phone ang kahinaan sa pagbabaybay (spelling) ng mga estudyante. Sa totoo lang, ang paggamit ng mga pinaikling salita ay nagpapakita rin kung ang isang nagpapadala o tumatanggap ng mensahe ay may alam sa tamang tunog ng mga ‘totoong’ salita. Malinaw ba? Parang hindi yata, ano?

Bigyan ko na lang kayo ng halimbawa:

Keln u u2wi? : Kailan ka uuwi?

Ung mga damt ismpay mo. : Iyong mga damit isampay mo.

Kac pu2nta nga daw cya MCU pra malamn teks buks. : Kasi pupunta nga daw siya sa MCU para malaman ang mga text books.

Mayroong iba na ganito isusulat ang mga nasa itaas:

Kln u u2wi? : Kailan ka uuwi?

Ung mga dmt ismpy m. : Iyong mga damit isampay mo.

Kc p2nta nga dw cya MCU pra mlmn txt bks. : Kasi pupunta nga daw siya sa MCU para malaman ang mga text books.

Mapapansing mas madaling unawain ang naunang grupo ng mga pangungusap. Paano kasi’y nagtira kahit paano ng mga patinig (vowels) sa bawat salita. Kung ganito ang gagawin, mas madaling unawain kaysa alisin ang lahat ng mga patinig. Ang damt halimbawa ay mas madaling mauunawaan kaysa sa dmt dahil may itinirang patinig (vowel) na a.

Ipinapakita rin nito na may alam ang gumagamit ng ganitong text messages ukol sa tunog ng bawat titik ng alpabetong Filipino.

Kung ako sa inyo, huwag masyadong tipirin ang mga salita para mas madaling maunawaan. Nakatipid ka rin naman kahit paano sa oras na ginugugol sa pagti-text sa pamamagitan ng pagpapaikli dito. ‘Yun nga lamang, gawing mas ‘tama’ at mas mauunawaan. :-D

11 Tugon

  1. hi! pagnagtetext ako, buong salita ang tinetext ko. =) masarap at maganda tignan kapag buo ang salita diba?

  2. hi, margarita. mas maganda nga sana kung lahat ng nagtetext ay ganyan. mas mauunawaan. pero ako, kapag nagpadala ng mensahe na buo ang salita, buo rin ang sagot ko. pag pinaikli, pinaikli rin ang sagot ko. pero titiyakin kong mas maiintindihan.

  3. [...] Joys of Texting May 31st, 2007 — bingskee Texting is one of those pleasures in life that I can’t do without.   It is a necessity alright but [...]

  4. wow…
    jejejje
    nice
    ang cute nman pero tama
    nman tlaga e..
    dpt responsible lng sa paggamit ng cel phone
    ok??

  5. pinakikita lang duon ang katamaran ng mga pinoy, mahilg sa short-cut maging sa pagyaman gusto madalian. Diyusme, Marimar ..sabi nga ni Fulguso.

  6. ha ha ha isa ang katamaran sa dahilan kung bakit me short cut texting, ysrael. pero dapat ding unawain na hindi lahat ng gumagamit ng cel phone ay may sapat na oras. :-)

  7. tnx ha..kc report ko to para sa filipino namen..it helps a lot..tnx

  8. walang anuman, koteng.

  9. tama nga naman na i-encourage ang mga kabataan ngayon na ibaybay ng tama ang mga salita gamit ang wikw nating lahat.

  10. ika pa nga po ni Dr. Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonso Realonda, “ang hindi magmahal sa kanyang sariling wika ay higit na mabaho sa hayop at malansang isda”. Hindi tama at makatarungang pababain ang ating kaalaman sa mga bagay-bagay lalong lalo na ang tungkol sa ating wika, pananalita at ang sarili nating alpabeto. Sapagkat bawat isa sa atin ay may pinag aralan! kung meron mang bobo, ewan ko kung sino ang may sabi at kung sang lupalop sila ng galing.

  11. hello po!!:)

Mag-iwan ng Tugon