B A D M E N T E N
Sa totoo lang, wala akong gaanong panahon sa sarili. Dahil nga walang katulong, karamihan sa mga gawaing-bahay ay ako ang gumagawa. Opo, mga kaibigan, nagtatrabaho ako at nagtatrabaho pa rin pagdating ng bahay. Hindi naman ako nagrereklamo. Para sa akin, kapag ako ay kumilos na at gumawa sa bahay kailangang gawin iyon ng masaya ang loob upang hindi ito maging mabigat. Katwiran ko, kung masama ang loob ay huwag nang gawin. Kesa naman naririnig kung nagdadabog o nanghahaba ang nguso o mainit ang ulo o nanininghal.
May mga oras din namang masama ang katawan ko kaya nakasimangot ako o naglilitanya. Paano ka namang di maglilitanya kung makikita mong ang mesa ay tila barko na naghihintay ng pasahero at malapit nang mapuno, o ang sahig (kadalasan sa kusina) ay ginagawang trash can e nasa malapit lang ang basurahan. Pero ibang usapan na ito.
Ang gusto kong isulat ay ang sigla ko sa paghihintay ng Linggo. May bago kasi kaming kinawiwilihan, bagong kinahihiligan. Para sa kalusugan, para sa kalakasan. Tuwing linggo ay nagdya-jogging kami at naglalakad sa oval ng UP. Noong nakaraang linggo ay anim na kilometro ang aking natakbo at nalakad. Tatlong ikot ang katumbas noon. Si Papsie ay nakaisang ikot at aking mga ‘tsikiting’ ay nakadalawa. Pagkatapos kami ay naglaro ng badmenten, sabi ng mga nag-i-slang kuno. Bedminton nga pala! Mali pa din (para sa amin ni Papsie ‘yun)… badminton nga pala ang tamang pronawn.
Inihanay sa: Mahahalagang bagay, pamilya


Hello tita bing! Ako rin bago magluto sa kitchen, lalo pag sa business, I see to it na nasa mood ako lagi. Ayokong madamay yung ginagawa ko sa inis ko minsan. Akala ko dahil nasa pinas ka ay rest ka na after office.
Masaya mag walk/jogging w/ the whole family. Sumasama pa ba yung 2 kids mo? Alam ko iba na ang lakad ng mga yan pag malalaki na eh.
ay naku, hindi, ann. hindi ako at ease pag me katulong.
kasama namin sila palagi. ideya nga ni kay ito, e!
Tawag namin niyan dito sa states ay “tugtog mo, sayaw mo”. Galing mo sa trabaho kayod ka uli sa haybols sabay sunod-sunod na utos sa mga bata pero walang gumagalaw para pulutin ang mga kalat at mga damit sa sahig at kung saan-saang sulok ng pinangalingan nila sa bahay. Minsan blinower ko ng power leaf blower ang lahat ng kalat nila sa sahig tuloy sa basura. Magmula nuon isang utos na lang at sunod na kaagad. Ay nakakapagod din!
Maganda iyang “bedmenton niyo ni Papsie. Nakakabata yan at mabuting ugaling pangkalusugan. Jogging o paglalakad ng malayo tatlong beses isang linggo ay magaling din na panglinis ng pag-iisip. Sa akin ,ang araw ng linggo ay pareho rin ng ibang araw puwera lang ang pag-gising ng maaga. Pero minsan kapag may lakad ang mga kulafon’g kasim-motorsiklista ko, gigising pa rin ako ng maaga. Iba lang nga talaga ang layan’g pakiramdam kapag nasa highway na kami…maluwag na naman ang isip ko!
talagang nakakapagod din. pero napansin ko itong mga ilang araw, pareng noypetes. nagkukusa na sila at tumutulong na. sumisigaw nga ako nang pabulong – “Yes!”
maganda talaga ang bedminton, este, badmenten.. kahit anong uri ng ehersisyo maganda talaga ang epekto sa katawan. disiplina lang talaga ang kailangan.
Kamusta na po and badminton dyan sa atin?
Kakatapos lang ng Singapore Open
May dalawang Pinoy na kasali.
ang sa amin, shiok, , ay pampamilya lang hindi pang-sports. ni hindi nga ako/kami nanood ng mga badminton tournaments. pero ang alam ko, marami na ring Filipino ang nahuhumaling sa sport na ito. maigi sa katawan.
ay ang sarap tlaga ng buhay.lalo na kapag masaya ka sa iyong trabaho maraming mga magagandang biyaya ang ibinibigays sa atin ng panginoon.kya sa mga laha ng nakabasa nito ay sana gawin natin ng mga masaya ang atin trabao.
sorry sa mga mga binigay kong comment may mga words kasi na hindi na e sa-ayos a hindi na isula ng maayos..
walang problema, dudes. maaaring ang pagtipa mo ang may problema o ang keys ng iyong keyboard.
kahit hindi masaya ang isang tao sa kanyang trabaho, kailangang maging masaya pagdating sa pamilya. bakit kailangang dalhin ang mga problema sa pamilya, di ba?