Mahilig ka ba sa keyk? Kami ay sobrang mahilig. Konting kibot ay bibili ng keyk sa anumang okasyon dumarating. Pero teka, noong kaarawan nga pala ni Dagul, di kami nakabili ng keyk!
Noon natatandaan ko, napakadalang kong makatikim ng keyk. Mas madalas pansit kung may kaarawan, o kahit anong okasyon. Wala kasing datung pambili ng keyk. Kaya kapag nakakatikim ng keyk, para akong nasa langit noon (o ano pa mang katulad na pakiramdam).
Mahilig ka rin ba sa keyk?
Inihanay sa: Mahahalagang bagay


Alam mo dito sa saudi kapag may okasyon di nawawalan ng cake. Kaso nga lang nagiging pandisplay lang sya dahil walang tumitikim. Pati mga kids di na rin pinapansin.Problema pa tuloy ng host ng party kung kanino ipamimigay after ng party.
talaga? parang di ko yata ma-i-snob ang mga cake!